Biyernes, Nobyembre 29, 2013



BUOD NG IBONG ADARNA
Mga Tauhan:
Haring Fernando- magiting na hari ng Berbanya
Donya Valeriana- Kabiyak ng Hari
Ermitanyo- Malaking nagging tulong kay Don Juan
Donya Leonora- nagging asawa ni Don Pedro
Donya Juana- naipakasal kay Don Diego
Maria Blanka- nangako na papakasalan ni Don Juan
Haring Salermo- Ama ni Maria Blanka
Mga anak ni Haring Fernando
Don Pedro - ang panganay. May pag-inggit kay Don Juan.Don Diego - ang pangalawa.Don Juan - ang bunso at determinadong anak.
Mga Tagpuan:

Bundok Tabor- dito naninirahan ang Ibong Adarna

Berbanya- Kaharian ni Haring Fernando

Bundok Armenya – nanirahan si Don Juan

Mahiwagang Balon- may kaharian ng dalawng magkapatid na prinsesa

Reyno Delos Crystal- Kaharian ni Maria Blanka at Haring Salermo


                Noong unang panahon sa sang-ayon sa kasaysayan sa Kaharian ng Berbanya . May hari ngalan ay Fernando at kabiyak nitong Reyna Valeriana. Sila ay may tatlong anak na prinsipe sina Donn Pedro, Don Diego, Don Juan. Sinanay ang mga anak na humawak ng patalim.
Isang gabi naidlip ang hari diumano si Don Juan bunso niyang anak ay pinaslang mula noon nagkasakit ang mahal na Hari . Nagpatawag ng mangagamot na ang ating lunas ay ang awit ng Ibong Adarna.
Inutusan si Don Pedro para maglakbay at hanapin ang Ibong Adarna. Sa kasamaang-palad nakatulog sa awit ng Ibong Adarna at nagging Bato matapos mahulugan ng ipot ng ibon. Sa ikalawang paglalakbay inatasan ng hari hanapin si Don Pedro at hulihin ang Ibond Adarna ngunit ganun din ang naging kapalaran ni Don Diego.

Ang bunsong anak na una ayaw payagan ng hari ay naglakbay dahil sa tagal ng pagbabalik ng mga kapatid. Hiningi ang basbas ng mahal na hari at humayo. Sa kanyang paglalakbay ay nakasaubong niya ang matandang Ermitanyo na nagturo sa kanya ng Ibong Adarna. Humingi ito ng makakainn at binigyan niya ng tinapay. Itinuro ng Ermitanyo ang kinaroroonan ng ibon at nagbilin ng mga payo sa paghuli ng ibon.
Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna sa pagsunod ng ipinayo ng matandang Ermitanyo. Sa tulong rin ng Ermitanyo nagging tao muli sa pagiging bato ang kanyang mga kapatid. Nagbalik ang tatlong prinsipe ngunit ang taksil na si Don Pedro ay plinanong bugbugin si Don Juan dulot ng inggit . Sa pagbabalik sa kaharian di kasamang bumalik si Don Juan at ayaw umawit ng Ibong Adarna .
Sa pagakakabugbog kay Don Juan muli may ermitanyo na tumulong kay Don Juan. Bumalik sa kaharian ng Berbanya si Don Juan at doon ay umawit ang Ibong Adarna at nagkwento ng mga pangyayari. Nagalit ngunit nagpatawad ang hari alang-alang sa bunsong anak. Nakawala ang Ibong Adarna . Umalis si Don Juan at doon ay may natagpuang balon. Sa ilalim ng balon ay may kaharian doon nakatira si Donya Juana . Dumatin ang higante ang kinalaban ng prinsipe.
Kasama ang kapatid na babae ni Donya Juana na si Donya Leonora ang kasama pupunta sa kaharian ng Berbanya . Ikalawang pagtataksil ni Don Pedro ay inhulog si Don Juan sa Balon at umuwing kasama ang dalawang prinsesa sa kaharian. Ang lobo at si Don Juan ay nagging magkaibigan. Natagpuan ni Don Juan ang Ibong Adarna at nagpayong limutin si Donya Leonora at hanapin ang Reyno Delos Crystal at si Maria Blanka.

Sa tulong muli ng ermitanyo tinulungan makapunta sa kaharian sakay ng Agila. Doon nakita si Maria Blanka. Si Haring Salermo ay marami pagsubok sa pagiibigan ng kanyang anak tulad ng: pagpupunla ng trigo at gawing tinapay, ipunin ang itang pinakawalan at ilagay sa bote, iurong ang bundok , magpagawa ng kastilyo sa gitna ng dagat, ang paghahanap ng singsing, paamuin ang kabayo at pinakahuli ang piliin ang mapapangasawa na kanyang anak. Dahil sa masamang binabalak ng hari nagtanan ang dalawa.
Sa pagbabalik sa Berbanya umuwi si Don Juan na di kasama si Maria Blanka. Ngunit bitbit ang pangakong magbabalik at magpapakasal. Sa kanyang pagdating inihanda ang pagpapakasal ni Donya Leonora . Sa pagtatanghal ay pinalala ni Maria Blanka ang pangako ni Don Juan na magpapakasal. At dahil sa pangyayaring iyon naikasal si Donya Leonora kay Don Pedro at kay Don Juan kay Maria Blanka.

Martes, Nobyembre 26, 2013



Iba’t ibang Teoryang Pampanitikan 

1. Teoryang Humanismo

- Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran

2. Teoryang Formalistiko

- Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.

3. Teoryang Imahismo

- Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen. Pinaniniwalaang ang imahen ang nagsasabi ng kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda.

4. Teoryang Realismo

- Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong suliranin sa buhay at ang usapan ng mga tauhan ay parang natural.

5. Teoryang Feminismo

- Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang operasyon ng sistemang patriarchal sa kababaihan.

6. Teoryang Sosyolohikal

- Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.

7. Teoryang Eksistensyalismo

- Kung babasahin ang isang akda sa pananaw ng ito, maaring pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng tauhan na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan. Sinusuri ng akda batay sa lakas ng paninindigan ng tauhan na nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang kalagayan. Mahalaga na Makita ang pagtanggap niya sa nagging bunga ng pansariling pagsisikap.

.

8. Teoryang Romantisismo

- Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o likas-kalayaan. Piniiral ditto ang sentimentalismo at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan diot ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko. Sa pagdulog na ito, matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at espiritwal. Ang teoryang romantisismo ay karaniwang naglalarawan ng mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw sa buhay. Inaasahang ang lahat ng tauhan ay magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti ang inilalalrawan.

9. Teoryang Naturalismo

- Tinangka niro ang mas matapat, di pinipiling representasyon ng realidad.

10. Teoryang Dekonstruksyon

- Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-instrakturalismo. Ibig sabihin, hindi lamang wika ang binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad o pilosopiya at ang pagkakahubog nito sa kamalayang panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayan ng gumagamitsa teksto at hindi sa teksto mismo. Habang isinusulat ang teksto, ang kahulugan nito’y nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa na.



Talambuhay ni Francisco Baltazar

TALAMBUHAY Ni Francisco Baltazar

TALAMBUHAY
Ni
Francisco Baltazar

Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa nayon ng Panginay
(Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng apat na supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko.
Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag – anak na Baltazar. Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng kanilang kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura – paroko at ditto ay natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo.
Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito sa kanyang murang isipan.

Palibhasa’y may ambisyon sa buhay, inakalang hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip ng paraan kung paano siya makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag – aaral. Ayon sa kanyang ama mayroon silang malayong kamag – anak na mayaman, na naninirahan sa Tundo at maaari siyang pumasok dito bilang utusan.

Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang amo kaya pinayagan siyang makapag – aral. Nagpatala siya sa Colegio de San Jose na noon ay pinamamahalaan ng mga Hesuwitas. Dito’y natutuhan niya ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at Doctrina Cristiana. Noong 1812 ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag – aaral sa Colegio de San Juan de Letran at dito’y natapos niya ang mga karunungang Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, ang may – akda ng Pasyong Mahal.

Naging tanyag si Kiko sa purok ng Tundo, Maynila sapagkat sumusulat siya ng tula at itinuturing na mahusay na makata. Sa Gagalangin, Tundo ay nakilala niya ang isang dalagang nagngangalang Magdalena Ana Ramos at ito’y napagukulan niya ng paghanga. Noong panahong iyon ay may isang tagaayos ng tula, si Jose dela Cruz na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw sapagkat kung walang dalang sisiw ay hindi niya inaayos at pinag – uukulan ng pansin ang tulang ipinaaayos ng sinuman. Isang araw ay may dala – dalang tula si Kiko upang ipaayos kay Huseng Sisiw at sa dahilang walang dalang sisiw ay hindi ito inayos ni Jose. Umuwi si Kikong masamang – masama ang loob kayat simula noon ay hindi na siya humingi ng tulong sa makata ng Tundo.

Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala at payo ng mga kakilala at kaibigan na magiging mahirap para sa kanya ang pamimintuho sa dalaga sapagkat magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang mayaman at makapangyarihan sa pook na iyon, subalit winalang – bahala ang mga paalalang ito, Hindi siya tumugot hanggang hindi nakadaupang – palad si Maria at hindi nga nagtagal at naging magkasintahan ang dalawa.
Palibhasa’y mayaman ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay naman ito. Sa loob ng bilangguan ay nagdadalamhati si Kiko at lalo itong nalubos ng mabalitaan niyang ikinasal na ang pinag – uukulan niya ng wagas na pag – ibig at si Nano. Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan niya isinulat ang walang kamatayang Florante at Laura at buong puso niya itong inihandog kay Selya.

Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang lumipat sa ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni Selya kaya ang alok na puwesto sa Udyong, Bataan ay buong puso niyang tinanggap. Muling tumibok ang kanyang puso ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak na mayaman na naging kabiyak niya. Nagkaroon sila ng labing – isang supling, limang lalaki at anim na babae sa loob ng labing – siyam na taong pagsasama nila. Pito ang namatay noong mga bata pa at sa apat na nabuhay isa lamang ang nagmana kay Balagtas.

Dahil sa may mataas na pinag – aralan si Kiko kaya humawak siya ng mataas na tungkulin sa Bataan – naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de Semantera.

Mainam –inam na sana ang buhay ng mag – anak ngunit nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya ng buhok sa isang utusan ng isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa pagkakataong ito, namayani na naman ang lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at pagkatapos ay inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro – moro na siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya.
Noong ika – 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong Bataan sa gulang na 74 na taon.
Mga Akda at Karangalan ni Francisco Baltazar
Ang kauna – unahang tulang nagbigay sa kanya ng karangalan bilang “Isang Makata” ay ang “Pagsisisi” sinulat niya ito ng siya ay nakatira sa Tundo.Nagsulat siya ng mga Moro – moro, awit at korido at mga tulang nauukol sa ibat – ibang okasyon. Bukod sa “Florante at Laura” ay nakasulat siya ng iba pang awit at korido gaya ng mga sumusunod:

La India Elegante y El Negrito Amante
Clara Balmori
Almanzor at Rosalina
Orosman at Zafira
Mahomet at Constanza
Bayaceto at Dorlisca
Auredato at Astrone
Don Nuno at Zelinda
Nudo Grodeano
Rodolfo at Rosemundo
Abdol at Miserena

Ang “La India Elegante y El Negrito Amante” ay isang dulang parsa na may mga tauhan at tagpong Pilipino. Tanging ang dulang ito ang may mga tagpong nangyari sa Pilipinas. Ang ibang mga dula ni Balagtas ay naganap sa ibang bansa at ang tauhan ay hindi Pilipino.

Ang “Almanzor at Rosalina” ay isang Moro – moro. Itinanghal ito sa Udyong Bataan nang labindalawang araw.